TRAIN Law nagpabigat sa presyo ng mga produktong petrolyo

Matindi ang epekto ng tax reform law ng administrasyong Duterte sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, sinabi nito na bukod sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado ay lalong nagpabigat sa oil price ang Tax Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Iginiit naman ni Zarate ang posisyon na dapat inuna muna ang pagtanggal sa income tax at sana ay hindi ito isinabay sa pagpataw ng mga bagong batas.

Taliwas aniya ang nangyayari ngayon na pagtaas ng mga presyo ng petrolyo at mga bilihin sa unang pagtitiyak ng gobyerno na hindi ito gaanoong maaepektuhan ng TRAIN law.

Read more...