Mga pribadong paaralan sa NCR pinayagang magtaas ng tuition
Nasa 170 na pribadong eskwelahan sa National Capital Region (NCR) ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula sa pasukan.
Nasa 5% hanggang 15% tuition increase ang inaprubahan ng DepEd para sa mga private schools na karamihan ay sa Maynila at Quezon City.
Ayon kay DepEd-NCR Director Wilfredo Cabral, may mga paaralan na nag-apply ng mas mataas na rate o mataas sa 15% pero nilimita lang ng ahensya ang dagdag na matrikula hangang 15%.
Base sa listahan ng DepEd, sa 170 na eskwelahan sa NCR na may dagdag matrikula para sa school year 2018-2019, 36 ang sa Maynila at 51 ang sa Quezon City.
Sa guideline ang ahensya, 70% ng tuition increase ang dapat mapunta sa dagdag na sweldo ng mga empleyado ng ekswelahan, 20% sa modernisasyon ng paaralan at mga pasilidad nito, at 10% para sa kita ng eskwelahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.