Hindi nababahala ang Malacanan sa inaasahang pagbanat sa administrasyon nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos na nagdeklara na ng kanilang tambalan para sa 2016 national elections.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., bukas sa publiko ang record ng Aquino administration at kumpiyansa sila na kaya nitong lampasan ang pagkilatis ng publiko.
Sa simula pa lang ayon kay Coloma ay nakahanda na ang pamahalaan na maging transparent sa publiko at sa iba pang mga sistema bilang bahagi ng pagtahak sa tuwid na daan ng pamahalaan.
Dagdag ni Coloma, ang mga isinagawa ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino ay naaayon sa mga ipinangako nito sa social contract with the Filipino people na nabuo mula sa Philippine Development Plan.
Sinabi ni Coloma na naniniwala sila sa pagiging patas at makatuwiran ng mamamayan kaya kumpiyansa sila na makakakita ito ng sapat na dahilan para ikunsidera ang pagpapatuloy ng daang matuwid.
Ipinaliwanag din ng kalihim na inaasahan na nila na lalo pang bibigat ang mga batikos na ibabatao sa pamahalaan habang papalapit ang 2016 elections.