UST sinuspinde ang fraternities at sororities para sa SY 2018-2019
Sinuspinde ng University of Santo Tomas (UST) sa pamamagitan ng Office for Student Affairs (OSA) ang lahat ng fraternities at sororities sa pamantasan para sa taong panuruan 2018-2019.
Ayon sa memorandum na nilagdaan ni OSA Director. Ma. Socorro S. Guan Hing na ibinahagi ng ‘The Varsitarian’ sa Twitter ang suspensyon ay ipatutupad alinsunod sa obligasyon ng unibersidad na protektahan ang mga estudyante sa panganib na idudulot ng partisipasyon ng mga ito sa aktibidad na may kaugnayan sa hazing.
Bunga umano ito sa pinakahuling insidente ng hazing na nagresulta sa pagkamatay ng isang law student.
Matatandaang napatay ang law student na si Atio Castilo III bunsod ng mga pinsalang natamo matapos ang hazing kung saan ang pangyayari ay naging kontrobersyal at naging pambansang isyu.
Sa direktiba ni Guan Hing, bawal na magrecruit ng miyembro ang lahat ng fraternities at sororities at magsagawa ng mga aktibidad.
Ipinag-utos din sa lahat ng mga estudyante ang hindi pagsali sa naturang mga grupo at mga hindi kinikilalang organisayon ng Pamantasan alinsunod sa ‘Code of Conduct and Discipline.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.