Binata arestado sa buy bust operation sa Cubao, Quezon City

By Justinne Punsalang May 23, 2018 - 01:09 AM

Arestado sa pamamagitan ng buy bust operation ang isang binata sa Barangay San Martin de Porres sa Cubao, Quezon City.

Batay sa surveillance ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, talamak ang bentahan ng iligal na droga sa lugar.

Ayon pa umano sa mga residente, kabilang sa mga tulak ng droga ang 18 taong gulang na binata.

Napag-alaman ng mga otoridad na sa pamamagitan ng text nagaganap ang transaksyon ng marijuana.

Modus umano ng suspek na isuksok lamang sa mga halaman sa tabi ng kalye ang marijuana na nakabalot sa papel.

Aminado ang suspek sa ginagawang pagtutulak. Aniya, galing ng probinsya ang kanyang itinitinadang marijuana. Ngunit giit nito, kadalasan ay para sa kanyang sariling bisyo ang droga.

Pagsisisi pa nito, hindi na siya makakapag-enroll sa darating na pasukan para sa Grade 11. Aniya, varsity player siya sa kanyang paaralan.

Mahaharap ang binata sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.