Halos P700K ng shabu nasabat sa Rizal

By Justinne Punsalang May 23, 2018 - 02:49 AM

Timbog sa ikinasang drug buy bust operation ang isang babae sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Nakilala ang suspek na si Marlyn Datalio, 40 taong gulang at residente ng Taguig City.

Narekober mula kay Datalio ang isang malaking plastic sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 50 gramo at 10 maliliit na sachet ng shabu na tig-5 gramo. Sa kabuuan, nagkakahalaga ng P680,000 ang street value ng nakuhang shabu mula sa suspek.

2003 nang unang maaresto sa Pasay City si Datalio dahil pa rin sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. Taong 2009 naman nang makalaya ito mula sa piitan.

Ayon kay CALABARZON Regional Police Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, muling minonitor ng mga otoridad si Datalio matapos makatanggap ng ulat na bumalik ito sa kalakaran ng iligal na droga, partikular sa Taguig at Taytay, Rizal.

Batay sa kanilang imbestigasyon, ginagamit si Datalio bilang drug courier ng isang big time drug syndicate sa Taguig City.

Mahaharap si Datalio sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy na iniimbestigahan ang mga kasamahan nito sa kalakaran ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.