Pagbagsak ng PhilHealth pinangangambahan ni Senador JV Ejercito

By Jan Escosio May 23, 2018 - 02:00 AM

Nagdududa si Senador JV Ejercito na mali ang ginagawang paghawak ng pondo kaya’t masasabi na pangit ang sitwasyon ng PhilHealth sa usapin ng pera.

Matapos ang pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on National Health Insurance Program, sinabi ni Ejercito na kapag hindi nagamot ang sakit sa kaban ng Philhealth ay maaaring bumagsak ito.

Aniya, kapag nangyari ito, babagsak ang national health insurance ng bansa dahil iisa lang ito sa Pilipinas.

Sinabi ng senador na base sa kanyang mga nakalap na impormasyon, maaaring aabot sa P4 bilyon ang pinag-uusapang pagkalugi ng PhilHealth.

Nabanggit din ni Ejercito na nakiusap na rin siya sa Malacañan na magtalaga na ng permanenteng pinuno ng PhilHealth para hindi animo’y tali ang mga kamay nito o limitado ang maaari niyang gawin.

Itinakda ni Ejercito sa susunod na Miyerkules, Mayo 30, ang pagpapatuloy ng pagdinig sa sitwasyon ng Philhealth.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.