Mahigit 600 tauhan ng Philippine Army na napasabak sa Marawi, itinaas ang ranggo

By Mark Makalalad May 22, 2018 - 10:26 PM

Isang araw bago ang anibersaryo ng Marawi Seige, binigyan ng promosyon ang mga sundalo na naging instrumento sa pagpapalaya sa lalawigan.

Sa isinasagawang donning of ranks sa Philippine Army Grandstand sa Fort Bonifacio, umabot sa 641 enlisted personnel na napasabak sa Marawi ang itinaas ang ranggo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Louie Villanueva, tagapagsalita ng Philippine Army, ang promotion ay bilang pagkilala sa katangapan at kabayanihan na kanilang ipinamalas sa paglaban sa Maute Terror Group.

Sa 641 promoted enlisted personnel, 36 ay may ranggong Master Sergeants, 98 ay Technical Sergeants, 103 ay Staff Sergeants, 193 ay Sergeants, at 211 ay mga Corporals.

Samantala, kasabay ng okasyon, inilunsad din ng Philippine Army ang serye ng mga libro na nagsasalaysay sa tunay na pangyayari noong panahon ng Marawi Seige.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.