Abugado ng pamilya Parojinog, patay sa pananambang sa Osamiz City

Patay ang isa sa mga abudgado ng pamilya Parojinog na si Atty. Geronimo Marabe Jr.

Ayon sa Police Regional Office 10, alas-10:30 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Marabe sa Barangay 50th District, Ozamiz City, Misamis Occidental.

Nabatid na nagmamaneho lamang ang biktima nang tambangan ng mga suspek.

Apat na tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Morabe na agad isinugod pa sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.

Read more...