Kalakaran ng iligal na droga sa loob ng Bilibid hindi pa nahihinto

By Jan Escosio May 22, 2018 - 10:46 PM

Inamin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Bato Dela Rosa na hindi pa natutuldukan ang drug trade sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ngunit sinabi ni Dela Rosa na base sa kanilang monitoring, humina pa nang husto ang kalakaran ng droga sa loob ng pambansang piitan.

Dagdag pa nito na ang lahat ng mga convicted drug lords na naka confine sa Bilibid Hospital ay pinababalik na niya sa Building 14 ng maximum security compound.

Sinabi pa nito na kapag ganap nang nahinto ng Bilibid drug trade ay mababawasan ang drug supply sa labas at tataas ang presyo ng droga.

Tumanggi naman si Dela Rosa na sabihin ang ginagawa nilang diskarte sa ngayon sa katuwiran na mauudlot pa ang kanilang mga operasyon.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa na sakaling mahalal siya bilang Senador ay isusulong niya ang pagpataw ng parusang bitay sa mga bigtime drug offenders at gawing postpaid na ang lahat ng cellphone para mamonitor ang komunikasyon ng mga nasa negosyo ng droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.