Pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Marawi, hindi made-delay — DepEd

By Mark Makalalad May 22, 2018 - 10:35 PM

Hindi maaantala ang araw ng pagbubukas ng klase ng mga paaralan sa Marawi City.

Ito ang tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones kasabay ng pagsabi na bibisitahin nya ang ground zero ng Marawi City para makita ang kundisyon ng mga paaralan doon na napinsala ng ilang buwang bakbakan sa lugar.

Ayon kay Briones, kagaya ng nationwide opening, June 4 din magsisimula ang unang araw ng klase sa Marawi City.

Ayon pa sa kalihim, batid niya ang problema ng mga paaralan sa Marawi City kaya inatasan nya na rin ang Deped sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na bilisan ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga paaralan.

Batay sa tala ng Deped, mahigit 31,000 estudyante ang inilikas sa siyudad dahil sa umiiral na bakbakan.

Noong Myerkules, inilunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela sa Marawi” at Oplan Balik Eskwela in Marawi” sa Amai Pakpak Central Elementary School sa Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.