Nanalong Barangay officials inatasan ng DILG linisin ang mga basura sa katatapos na halalan

By Isa Avedaño-Umali May 22, 2018 - 07:13 PM

Inquirer file photo

Bagama’t tapos na ang election period, pinagsabihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay at mga kumandidato na linisin na ang kanilang mga kalat.

Mahigpit na bilin ni DILG Secretary Eduardo M. Año, dapat matapos ang paglilinis at pagtatanggal sa campaign materials sa kanilang lugar bago matapos ang linggong ito.

Ang direktiba ng DILG chief ay bilang tugon sa natanggap na ulat mula sa MMDA na umabot sa tatlong truck na basura ng posters, tarpaulins at plastic ang nahakot sa ilang lugar sa Metro Manila pagkatapos mismo ng halalan.

Sa gitna nang nalalapit na pagbubukas ng klase sa June 4, napuna pa ng opisyal na maraming pampublikong eskwelahan na ginamit bilang polling places ay puno pa rin umano ng mga campaign materials.

Binigyang diin ni Año na dapat pamunuan mismo ng mga kumandidato sa local elections ang clean-up operations nanalo man sila o natalo bilang pagpapakita na rin na responsable at sinsero sila na maging lider ng kanilang komunidad.

TAGS: año, barangay, DILG, sangguniang kabataan elekstions, año, barangay, DILG, sangguniang kabataan elekstions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.