Ipinahayag ni Senior Associate Justice Antonio Caprio na ang kawalan ng diplomatic protest ay tila mensahe na rin na pinapayagan ng Pilipinas ang China na angkinin ang katubigan at yaman sa na matatagpuan sa loob ng teritoryo ng bansa.
Iginiit ni Carpio na kinakailangang maghain ng formal protest laban sa hakbang ng China para pangalagaan ang soberenya ng bansa sa Fiery Cross Reef at Subi Reef at eksklusibong soberenya nito sa Mischief Reef.
Dagdag ni Carpio, kinikalala ng United Nations Charter ang formal protest bilang isang mapayapa at lehitimong tugon.
Si Carpio ay kabilang sa mga nagsulong sa arbitration case ng Pilipinas kontra China.
Matatandaang kamakailan ay napaulat ang paglalagay ng China ng bombers sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.