8 anti-Sereno justices ng Supreme Court sasampahan ng impeachment case

By Rohanisa Abbas May 22, 2018 - 06:32 PM

Inquirer file photo

Binalaan ng Magnificent 7 sa Kamara ang walong mahistrado na ipaghaharap sila sa impeachment complaint kapag iginiit ng mga ito ang “unwarranted” at “unconstitutional” na desisyon sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Ipinahayag ng lider ng oposisyon sa Kamara na si Rep. Edcel Lagman na ilulunsad nila ang krusada laban sa walong mahistrado.

Kumpyansa si Lagman na magiging sufficient in form and substance ang impeachment complaints na ihahain laban sa kanila.

Sinabi ni Lagman na lumabag sa Saligang Batas ang walong mahistrado nang paboran nila ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Nagpahayag din ng pagsuporta sa hakbang na ito sina Representatives Tom Villarin, Edgar Erice, Gary Alejano, Teddy Baguilat at Emmanuel Billones.

Ang walong mahistrado na bumoto sa pagpapatalsik kay Sereno ay sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.

TAGS: impeachment case, lagman, magnificent 7, Sereno, Supreme Court, impeachment case, lagman, magnificent 7, Sereno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.