Duterte: Hindi ako papasok sa giyera na hindi ako mananalo

By Chona Yu, Den Macaranas May 22, 2018 - 05:11 PM

“I cannot afford at this time to go to war. I cannot go to a battle which I cannot win and probably result to destruction and a lot of losses for our armed forces”.

Yan ang bahagi ng paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tahimik ang kanyang administrasyon sa patuloy na pagpapalakas ng pwersa ng China sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.

Sinabi rin ng pangulo na nakahanda siyang sagutin ang lahat ng mga pananagutan sa kanyang mga desisyon kaugnay sa usapin sa mga pinag-aagawang isla.

Sa kanyang talumpati sa 120th founding anniversary ng Philippine Navy, sinabi ng pangulo na dapat nating aminin na hindi kakayanin ng Armed Forces of the Philippines ang pumasok sa giyera sa China.

Mas magiging madugo umano kung magiging padalos-dalos ang kanyang desisyon bilang Commander-in-Chief.

Pinasalamatan rin ng pangulo ang kabayanihan ng mga kawal sa pagtatanggol ng kasarinlan ng bansa.

“To the brave soldiers and marines, you have made the Philippine proud, and continue to do so with gallantry in defending the sovereignty of our territorial waters, especially in the West Philippine  Sea”, ayon pa sa pangulo.

TAGS: AFP, China, duterte, philippine navy, AFP, China, duterte, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.