Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may nakalatag ng contingency plan ang gobyerno para maayudahan ang publiko dahil sa ipinatupad na tax reform for accelartion and inclusion o TRAIN law.
Katunayan, sinabi ni Roque na hindi lang ang P200 benepisyo sa mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang ibibigay ng pamahalaan.
Giit ni Roque, makikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) para ipamigay na ang ibang benepisyo na nakalaan sa TRAIN law.
Sa ngayon nasa $72 na ang presyo ng gasolina kada barrel sa pandaigdigang pamilihan.