2 mastermind sa pagpatay sa isang balikbayan sa Lipa

By Mark Makalalad May 22, 2018 - 12:39 PM

Sa kulungan ang bagsak ng mga mastermind sa pagpatay kay Danilo Tenson Teruel, isang OFW na kakauwi lamang sa Lipa, Batangas noong May 19.

Nakilala ang mga suspek na sina Janet Manalo Capalad, kinakasama ng biktima at Roel Dinglasan Guico na sinasabing karelasyon naman ni Janet.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Regional Director ng Police Regional Office 4A, makaraang makakuha ng salaysay mula sa testigo sa krimen, nabatid na may kausap na armadong lalaki si Guico ilang araw bago ang insidente.

Napag alaman din na noong mismong araw ng pagbalik sa bansa ng biktima ay nakikipag usap na naman si Guico kasama si Janet sa armadong lalaki.

Dito na nagkasa ng operasyon ang Batangas Provincial Police Office at inaresto ang dalawang suspek na kusa namang sumama sa mga otoridad.

Matatandaan na noong May 19, pinagbabaril si Truel sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Pinagkatiwan, Lipa City. Naisgugod pa sa Villa Memorial Hospital si Truel pero agad din itong binawian ng buhay.

Mahaharap ang 2 suspek sa kasong murder.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CALABARZON police, murder suspects, ofw, CALABARZON police, murder suspects, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.