Ombudsman bahala na sa pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating TBP COO Cesar Montano

By Chona Yu May 22, 2018 - 12:29 PM

Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Office of the Ombudsman sa pagsisiyasat kung may pananagutang kriminal ang nagbitiw na si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano kaugnay sa kontrobersiyal na P80 million project na Buhay Carinderia.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ombudsman na ang bola sa pagpapanagot sa mga opisyal na gumagawa ng katiwalian o korupsyon sa gobyerno.

Iginiit pa ni Roque na mayroong constitutional mandate ang ombudsman para magsagawa ng preliminary investigation at magtukoy kung may nilabag na anti graft law si Montanao.

Matatandaang nagsumite na kagabi ng resignation letter si Montano kay Tourism Secretary Bernadette Puyat at sa Malakanyang na agad namang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, wala pa namang napipisil ang pangulo na papalit sa puwesto ni Montano.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cesar Montano, dot, Radyo Inquirer, tourism promotions board, Cesar Montano, dot, Radyo Inquirer, tourism promotions board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.