Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa isang residential area sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 8:37 ng umaga sa bahagi ng A. Felipe Street.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Brgy. Karuhatan, lumalabas na sumiklab ang apoy dahil may nagwe-welding sa isa mga bahay na kinalaunan ay kumalat na.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula alas-10:28 ng umaga.
14 na pamilya ang tinatayang apektado ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.