Mga nominee ng Bayan Muna Party List naka Heneral Luna movie inspired costume, nang maghain ng COC

By Ruel Perez October 15, 2015 - 11:53 AM

HENERAL LUNA inspired
Kuha ni Ruel Perez

Nakasuot ng costume na hango sa pelikulang “Heneral Luna” ang mga nominee ng Party List group na Bayan Muna nang sila ay maghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec)
Si Rep. Carlos Zarate ay nakasuot ng costume ni Heneral Luna na naghain ng COC bilang first nominee ng nasabing grupo.

Ayon kay Zarate, pinili nilang magsuot ng costume na hango sa nasabing pelikula dahil sa isinusulong nila ang diwa ng pagiging makabayan. Paliwanag ni Zarate, inuna ni Luna ang bayan at hindi ang kaniyang sarili.

Ang 2nd nominee naman na si Teddy Casiño ay na naka Andres Bonifacio costume, at ikatlong nominee na si Hope Hervilla na isang environment activist mula sa Iloilo ay naka Filipiniana Costume.

Nag-martsa pa mula sa bahagi ng National Press Club sa Intramuros Maynila ang tatlo patungo sa Comelec, kasama ang kanilang mga supporters na pawang naka-costume din na katipunero at filipiniana.

Sa ikalawang linggo ng Nobyembre, sinabi ng Bayan Muna na inaasahan nilang makakapili na sila ng susuportahang kandidato sa pagka-presidente, bise preisdente at mga senador.

Ang Bayan Muna ang pang-71 na mga party list groups na naghain ng COC sa Comelec mula noong Lunes hanggang ngayong umaga.

TAGS: BayanMunanomineeswearHeneralLunainspiredcostume, BayanMunanomineeswearHeneralLunainspiredcostume

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.