Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya; 1,000 pasahero ang naapektuhan

By Mark Makalalad May 22, 2018 - 10:13 AM

Naputol na ang no unloading streak sa Metro Rail Transit-3 makaraang makapagtala ng aberya Lunes ng umaga na nagresulta sa pagpapababa ng mga pasahero.

Sa abiso ng MRT-3, isang tren nila ang nagkaproblema sa bahagi ng Araneta Center-Cubao station alas 9:13 ng umaga.

Nasa 1,000 pasaher ang maagang naabala matapos silang pababain sa tren.

Ayon kay Aly Narvaez, Media Relations Officer ng Department of Transportation, door failure ang itinuturong dahilan ng aberya kung saan bumukas ang pinto ng tren dahil napwersa ito matapos masandalan ng mga pasahero.

Nagbalik naman sa normal ang operasyon ng MRT matapos ang 6 na minuto nang dumating ang kasunod na tren.

Dahil sa insidente, naputol na ang 28 day streak ng MRT na walang naitatalang aberya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT 3, Radyo Inquirer, train problem, dotr, MRT 3, Radyo Inquirer, train problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.