Dalawang opisyal ng DOTr sa Cordillera, sinuspinde dahil sa alegasyon ng kurapsyon
Pinatawan ng 90 araw na suspensyon ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawa sa kanilang mataas na opsiyal na nakatalaga sa Cordillera Administrative Region.
Ito’y dahil sa mga alegasyon kurapsyon at tahasang pagpapabaya sa kanilang trabaho.
Kinilala ang dalawang DOTr officials na sina DOTr-CAR Regional Director Atty. Jesus Eduardo Natividad at Assistant Regional Director Datu Mohammad Abbas.
Base sa report na naberipika ng DOTr, napag alaman na humihingi at tumatanggap umano si Natividad ng pera kapalit ng paglalabas ng paborableng desisyon sa aplikasyon ng Certificates of Public Convenience (CPC).
Bukod dito, nabatid na nagpapaya sa trabaho si Natividad. Madalas daw kasi itong absent dahilan para hindi nito magamapanan ang kanyang tungkulin sa paghuli sa mga kolorum na sasakyan.
Habang si Abbas naman ay napag alaman na nangingikil ng pera kapalit ng paglalabas ng mga na-impounded na sasakyan.
Samantala, iginiit naman ni Tugade na ‘zero tolerance’ ang kanyang ahensya sa mga korap na opisyal. Kanya ring sinabi na masusundan pa ang listahan ng mga masisibak sa DOTr kung mapapatunayan na may mga sangkot pa na opisyal sa iligal na gawain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.