Naitala ng United States Geological Survey (USGS) ang episentro nito 122 kilometro sa timog-silangan ng Guam.
May lalim ito na 15.6 kilometro.
Unang naitala ng USGS na may lakas na magnitude 6.0 ang pagyanig pero ibinaba ito sa magnitude 5.6.
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, wala namang banta ng tsunami sa Guam, sa US o sa Northern Mariana Islands.
Wala namang naitalang pinsala ang USGS pero naramdaman umano ng ilan ang pagyanig sa Guam.
MOST READ
LATEST STORIES