Mga empleyado ng DOH Calabarzon isinailalim sa drug test
Isinailalim sa random drug test ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na nasa punong tanggapan sa Quirino Memorial Medical Center Compound sa Project 4, Quezon City.
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, ang random drug test sa pamamagitan ng pagsusuri sa urine o ihi, ang pinakamabisang paraan upang makatiyak na walang gumagamit ng ilegal na droga sa kanilang mga tauhan.
Ang pagsasagawa ng random drug test sa tinatayang 300 na kawani ay alinsunod sa itinatadha ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng DOH-CALABARZON Regional Office, ang Dangerous Drug Board (DDB), ang National Research Laboratory, ang Dangerous Drugs Abuse & Prevention & Treatment Program (DDAPT) sa nasabing aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.