Sen. Migz Zubiri, bagong senate majority leader

Napili si Senator Migz Zubiri bilang bagong senate majority leader kapalit ni Senator Tito Sotto na siya namang bagong senate president.

Si Zubiri base sa tradisyon ay siya na ring magiging chairman ng committee on rules.

Hindi pa alam kung siya din ang sasalo ng senate committee on ethics na pinamunuan din ni Sotto ng ito pa ang majority leader ng senado.

Samantala, ang nagbitiw na si dating Senate President Koko Pimentel III ang bagong chairman ng committee on trade na iniwan ni Zubiri at siya rin ang chairman ng joint congress oversight committee.

Maaring maibigay din sa kanya ang committee on local government na pinamumunuan ngayon ni Sen. Sonny Angara.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...