Dalawang nasawing OFW sa sunog sa Saudi Arabia pinangalanan na ng DFA

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 22, 2018 - 08:48 AM

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng dalawang OFW na nasawi makaraang masunog ang tinutuluyan nila sa pinagtatrabahuhang construction sa Saudi Arabia.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ipinapaabot ng pamahalaan ang pakikiramay sa pamilya nina Jessie Alata Pacetes at Reynaldo Barroga Castro.

Ang dalawa ay kapwa nagtatrabaho bilang operator ng heavy equipment sa isang malaking Saudi construction company sa Najran.

Nakarating na sa Najran ang team ng Philippine Consulate General sa Jeddah para makipag-usap sa employer ng dalawa.

Aasikasuhin na rin ang repatriation sa mga labi ng dalawang Pinoy.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos nasawi ang dalawa makaraang sumiklab ang apoy habang sila ay natutulog sa kanilang sleeping quarters.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Najran Saudi Arabia, OFWs, Radyo Inquirer, Najran Saudi Arabia, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.