Pilipinas walang independent verification sa bomber ng China

By Chona Yu May 22, 2018 - 08:34 AM

Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na walang kakayahan ang Pilipinas na magsagawa ng independent verification o sariling pagsusuri sa mga bomber plane ng China na lumapag sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging sa mga balita lamang nila nalalaman at labis na nababahala ang palasyo sa ginagawa ng China.

Ayon kay Roque, nababahala ang gobyerno sa magiging impact ng ginagawa ng China sa isinusulong na peace at stability sa rehiyon.

Una rito, inamin din ng palasyo na walang sapat na kakayahan ang Pilipinas na berepikahin ang missile system na inilagay umano ng China sa South China Sea.

“Alam ninyo naman po the issue of the presence of supposed bombers ‘no. Unang una po, again, we have no independent verification ‘no. But nonetheless we take note of the reports that appeared and we express our serious concerns anew on its impact on constructive efforts to maintain peace and stability in the region” ayon kay Roque.

Sinabi noon ni Roque na bumibili pa ang Pilipinas ng teknolohiya na susuri kung nay missile system na nailagay na ang China.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Spratly's, West PH Sea, Radyo Inquirer, Spratly's, West PH Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.