Pamangkin ni Meghan Markel nahulihan ng kutsilyo sa isang nightclub sa London

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 22, 2018 - 08:05 AM

Nahulihan ng kutsilyo sa isang nightclub sa London ang pamangkin ni Meghan Marken na si Tyler Dooley.

Nakuhanan ng kutsilyo ang 25 anyos na si Dooley ng bouncer na nakatalaga sa labas ng nightclub sa Kingston, southwest London.

Mismong si Dooley umano ang umamin na may dala siyang kutsilyo nang siya ay papasok sana sa club.

Agad din namang pinalaya si Dolley matapos kusang ibigay sa mga otoridad ang kutsilyo.

Isa pang lalaki na posibleng kasama din ni Dooley ang nakuhanan naman ng noxious spray.

Ilegal ang magdala ng kutsilyo sa public place sa England maliban lang sa mga folding pocket knives na ang haba ng blades three inches lamang o pababa.

Sa ulat ng isang pahayagan doon, sinabi ni Dooley na nagdala siya ng kutsilyo bilang proteksyon sa sarili matapos sabihin ni US President Donald Trump na isang war zone ang London.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Meghan Markle, Radyo Inquirer, Tyler Dooley, Meghan Markle, Radyo Inquirer, Tyler Dooley

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.