Palengke sa Cotabato City, nasunog

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 22, 2018 - 07:55 AM

Tinupok ng apoy ang isang palengke sa Barangay Poclacion sa Cotabato City Lunes ng gabi.

Nagsimula ang sunog alas 11:00 ng gabi sa ikalawang palapag ng palengke ayon sa Fire Brigade ng barangay na rumesponde.

Tinatayang aabot sa 1,000 mga negosyante sa Mega Market ang naapektuhan ng sunog.

Ayon sa isa sa mga may-ari ng stall sa palengke na si Bai Lyn Untong walang natira sa kaniyang mga panindang bigas, asukal at itlog na sa kaniyang pagtaya ay aabot sa 100,000 piso ang halaga.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cotabato City, fire incident, Mega Market, Radyo Inquirer, Cotabato City, fire incident, Mega Market, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.