Partikular na sinagot ng China ang pahayag ng Estados Unidos na bahagi ng militarisasyon ng China ang paglalagay ng bomber planes sa isla.
Ayon kay Chinese Foreign ministry spokesperson Lu Kang, ang naturang hakbang ay bahagi ng normal training ng kanilang militar kasabay ng paggigiit na ang mga isla sa South China Sea ay pag-aari ng China.
Una dito ay kinondena ng Pentagon ang panibagong hakbang ng China.
Ito kasi ang unang pagkakataon na naglagay ng combat aircraft ang China sa pinag-aagawang teritoryo kabilang ang long-range, nuclear strike-capable na H-6K.