Paglalagay ng bomber plane bahagi umano ng normal training ng Chinese military ayon sa foreign ministry ng China
Nagsalita na ang China sa pag-aalala ng iba’t ibang mga bansa hinggil sa paglalagay nila ng bomber planes sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Partikular na sinagot ng China ang pahayag ng Estados Unidos na bahagi ng militarisasyon ng China ang paglalagay ng bomber planes sa isla.
Ayon kay Chinese Foreign ministry spokesperson Lu Kang, ang naturang hakbang ay bahagi ng normal training ng kanilang militar kasabay ng paggigiit na ang mga isla sa South China Sea ay pag-aari ng China.
Una dito ay kinondena ng Pentagon ang panibagong hakbang ng China.
Ito kasi ang unang pagkakataon na naglagay ng combat aircraft ang China sa pinag-aagawang teritoryo kabilang ang long-range, nuclear strike-capable na H-6K.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.