Heat Index na naitala sa Casiguran, Aurora kahapon umabot sa 51.1 degrees Celsius ayon sa PAGASA
Easterlies pa rin ang nakaaapekto o weather system na umiiral sa buong bansa.
Ayon sa PAGASA, dahil sa easterlies ang buong bansa ay makararanas ng maganda subalit mainit at maalinsangang panahon.
Maari ring makaranas ng thunderstorms sa hapon o gabi na magdudulot ng malakas at panandaliang pag-ulan.
Samantala, umabot sa 39.1 degrees Celsius ang naitalang pinamainit na temperature kahapon at ito ay naranasan sa Tuguegarao City.
Ang Cabanatuan City naman ay nakapagtala ng 37.5 degrees Celsius habang 36.5 degrees Celsius ang naitala sa NAIA sa Pasay City.
Umabot naman sa mainit na 51.1 degrees Celsius ang naitalang Heat Index kahapon sa Casiguran, Aurora, 48.3 degrees Celsius sa Guiuan Eastern Samar at 46.8 degrees Celsius sa Sangley Point sa Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.