Ang pagpanaw ni Gregorio na dating naitalaga sa lalawigan ng Batanes ay kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon kay Batanes Vicar General Fr. Deo Layug nasawi si Gregorio matapos atakihin sa puso kagabi.
Simula noong May 9 ay naka-confine sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan City si Gregorio dahil sa sakit na pneumonia.
Nakaranas din ito ng mild stroke noong Huwebes habang sumasailalim sa dialysis.
Si Gregorio ang ikaapat na obispo na naitalaga sa Batanes at siya ay nanilbihan doon ng 14 na taon hanggang sa magretiro noong May 2017.
MOST READ
LATEST STORIES