2 sugatan, sa pamamaril sa Taguig City

By Justinne Punsalang May 22, 2018 - 04:08 AM

Sugatan ang isang babae at isang lalaki matapos silang pagbabarilin sa C6 Road na sakop ng Barangay Napindan, Taguig City.

Nakilala ang mga biktima na sina Gino Din Makmod at Marilyn Saberon na residente sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang lalaking nakilala na sina Butch at Baldo Utto ang nasa likod ng pamamaril.

Pumasok umano sa bahay nina Makmod at Saberon ang mga suspek at doon sila mismo pinagbabaril.

Agad na naisugod sa ospital ang dalawang biktima at patuloy na nilalapatan ng lunas.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaril, kasabay ng kanilang pagtugis kina Butch at Baldo Utto.

TAGS: Taguig City, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.