2 bahay, nasunog sa Parañaque City

Agad na naapula ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Baclaran na sakop ng Parañaque City.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumupok sa dalawang bahay.

Ayon sa Parañaque City Fire Department, mag-a-ala-1 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Justin Aranas.

Kwento ni Aranas, nanggaling siya sa himpilan ng mga pulis dahil naaresto sa isang buy bust operation ang kanyang ama at tito.

Laking gulat na lamang niya nang pag-uwi niya ay doon na niya nakitang nagliliyab ang kanilang bahay.

Nadamay ang isang katabing bahay dahil sa sunog ngunit wala namang naitalang nasugatan dahil dito.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng apoy, maging ang kabuuang halaga ng pinsala na dulot nito.

Read more...