Panukala para sa occupational safety, lusot na sa bicam

By Justinne Punsalang May 22, 2018 - 03:55 AM

Inaprubahan na ng Senate bicameral commitee ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Act na nag-uutos sa mga employer na tiyakin na pasok sa safety standards ang workplace o lugar na pinagtatrabahuhan ng mga manggagawa.

Ayon sa may-akda ng panukala na si Senador Joel Villanueva, kapag naging ganap nang batas ang naturang panukala ay bibigyan nito ng ngipin ang Labor Code at mapupwersa ang mga establisyimento na sumunod sa safety at health standards.

Sa ilalim ng naturang panukala, pagmumultahin ang mga lalabag ng P100,000 para sa kada araw na hindi natutugunan ang OSH standard violation.

Pumayag na rin ang House of Representatives na i-adopt ang bersyon ng Senado sa nasabing panukala.

Umaasa si Villanueva na mararatipikahan sa mababa at mataas na kapulungan ang OSHS bago ang huling araw ng sesyon sa May 30.

At matapos nito ay hihintayin na lamang ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isa na itong ganap na batas.

TAGS: occupational safety, Occupational Safety and Health Standards, occupational safety, Occupational Safety and Health Standards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.