Dalawang magnanakaw, napatay sa Pangasinan

By Justinne Punsalang May 22, 2018 - 03:51 AM

Nauwi sa shootout ang isinagawang followup operation ng mga otoridad laban sa dalawang magnanakaw sa Barangay Poblacion sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Kinilala ang isa sa mga nasawing magnanakaw na si Ramon Lavigan, habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng kanyang kasama.

Si Lavigan ay ang ika-limang most wanted person ng karatigbayan ng Mapandan sa Pangasinan.

Ayon kay Manaoag Municipal police chief, Chief Inspector Dave Mahilum, hapon ng Lunes nang mamataan ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Lavigan at kanyang kasama na sakay ng isang motorsiklo.

Agad na nakipag-coordinate ang mga otoridad sa Manaoag police, na kapwa nagsagawa ng pursuit operation.

Ngunit bago pa maharang ng mga otoridad ang dalawa ay ninakawan ng mga suspek ang isang delivery truck sa Coastal Road.

Matapos ang krimen ay tumakas sina Lavigan papunta sa direksyon ng Mapandan-Manaoag Road at pinaputukan ang mga pulis na nagbabantay sa Barangay Poblacion.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa.

TAGS: Manaoag, pangasinan, Manaoag, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.