Reclamation ng DENR sa Manila Bay, binatikos ni Sen. Cynthia Villar
Binatikos ni Senadora Cynthia Villar ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagpayag nitong magsagawa ng reclamation sa Manila Bay bagaman kasalukuyang isinasagawa ang rehabilitasyon sa lugar.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment and Natural Resources tungkol sa rehabilitasyon at pangangalaga sa Manila Bay ay sinabi ni Villar na taliwas ang ginawa ng DENR sa pag-uutos ng Supreme Court na linisin ang nasabing katubigan.
Aniya, bakit pa naghain ang kanilang komite ng petition for mandamus para linisin ang Manila Bay kung ire-reclaim naman ito ng DENR.
Maging ang environmental lawyer na si Antonio Oposa ay sinangayunan ang pahayag ng senadora. Nagbabala pa ito na magsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng DENR na nasa likod ng naturang reclamation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.