outbrain

Tito Sotto no-show muna sa Eat Bulaga

By Jan Escosio May 21, 2018 - 07:28 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Ngayong bumigat na ng husto ang kanyang responsibilidad matapos maitalagang bagong pinuno ng Senado, hindi na muna mapapanood si Sen. Tito Sotto sa programang Eat Bulaga.

Ayon kay Sotto, kakausapin niya ang mga co-hosts niya na sina Vic Sotto at Joey de Leon para ipaalam ang kanyang plano.

Dagdag pa nito, maging ang producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera ay kailangan din niyang kausapin hinggil sa kanyang gagawing leave of absence sa pinakamatagal na programa sa Philippine TV.

Bago ito, nagagawa pa ni Sotto na magpakita sa Eat Bulaga sa mga araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado at kapag suspindido ang sesyon sa Senado.

Samantala, sinabi ni Sotto na huwag munang husgahan ang kanyang liderato dahil ipakikita umano niya na karapat-dapat siya sa kanyang bagong posisyon sa Senado.

TAGS: eat bulaga, joey de leon, pimental, senate president, tito sotto, vic sotto, eat bulaga, joey de leon, pimental, senate president, tito sotto, vic sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.