AFP no comment sa pagdating ng Chinese bomber sa West Philippine Sea

Inquirer file photo

Tumanggi munang magkomento ang Armed Forces of the Philippines kaugnay sa isyu ng militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ang naatasang magbigay ng update sa mga development sa West Philippine Sea dahil wala silang saklaw sa national at international policy matters.

Gayunman, tiniyak ni Arevalo na ginagawa ng AFP ang kanilang mandatong bantayan ang teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng kanilang regular na ginagawang air at maritime patrol sa naturang katagatan.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na hindi banta sa seguridad ng bansa ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay kahit na mayroon nang bomber plane ang China na malapit sa Pilipinas.

Sinabi rin ng palasyo na hindi pa muna magco-convene ang national security cluster para talakayin ang isyu sa sa West Philippine Sea.

Read more...