Suporta kay Sotto tiniyak ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na makikipagtulungan ang kanilang hanay sa bagong Senate President.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng pagbaba sa puwesto ni Senate President Koko Pimentel at pag-assume ni Sen. Tito Sotto bilang bagong pinuno ng mataas na kapulungan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nirerespeto ng palasyo ang pagpapalit ng liderato sa Senado.

Umaasa ang palasyo na magiging maayos ang relasyon nito sa bagong liderato ng Senado.

Kasabay nito, pinasalamatan ng palasyo si Pimentel sa kanyang suporta sa mga priority agenda ng administrasyon.

Ayon kay Roque, maraming makabuluhang batas ang naipasa sa ilalim ni Pimentel gaya halimbawa ng libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCs), libreng irigasyon at iba pa.

Read more...