Bukas pa magsusumite ng kaniyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Eelctions (Comelec) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma sa Radyo Inquirer ng isang abogado na miyembro ng The Brotherhood for Duterte (BFD)Movement.
Ang nasabing grupo ay isang multi-sectoral group na binubuo ng mga abogado, duktor, iba pang professionals, entrepreneurs, OFWs, youth leaders, at mga dati at retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa nasabing abogado, bukas ihahain ni Duterte ang kaniyang COC sa pagka-pangulo.
Lumabas kasi ang mga balita na maaring ngayong araw maghain ng COC si Duterte, matapos mag-post sa kaniyang facebook page si Inday Sara Duterte ng larawan ng kanyang ama na may nakasulat na “10-15-15 the right time”.
Ngayong araw din ay nag-abang sa Comelec ang mga supporters ni Duterte para antabayanan ang kaniyang paghahain ng COC.
Bagaman ilang beses sinabi ni Duterte na hindi siya tatakbong pangulo, hindi sumuko ang mga supporters nito sa paghikayat sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.