Malacañang: Gobyerno aaksyon sa paglapag ng Chinese bomber sa WPS

AP photo

Nababahala ang Malacañang sa bomber plane ng China sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, idudulog ng Pilipinas ang pagkabahala nito sa bilateral consultative mechanism sa China na maaring gawin sa Hunyo.

Iginiit ni Roque na isang seryosong bagay at hindi binabalewala ng palasyo ang mga ulat na mayroon nang bomber planes ang China sa lugar.

Bagaman nababahala, sinabi ni Roque na wala nang nakikitang dahilan ang palasyo para maglabas pa ng sariling statement laban sa China.

Sapat na aniya ang pahayag ng ASEAN o Association of South East Asian Nations na dapat ay walang ginagawang militarisasyon ang China o anumang bansa sa South China Sea na maaring magdulot ng mainit na tensyon sa rehiyon.

Ipinaliwanag ni Roque na hindi naman lahat ng ginagawa ng pamahalaan partikular ng Department of Foreign Affairs ay kailangang ipangalandakan sa publiko lalo pa at diplomatic strategy aniya ito.

Read more...