Asec. Mark Tolentino ng DOTr, sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte

By Chona Yu May 21, 2018 - 01:00 PM

DOTr Asec. Mark Tolentino | FB Photo

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Assistant Secretary Mark Tolentino ng Department of Transportation (DOTr).

Sa press conference sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kasalanan ni Tolentino ay ang pakikipag-usap niya sa kamag-anak ng presidente.

Noong linggo sa talumpati ng pangulo binaggit niya ang isang opisyal na nakipag-usap sa kaniyang kapatid na babae na tila ba may hinihinging pabor o nagpapatuloy sa isang proyekto.

Ayon kay Roque dapat magsilbing halimbawa sa lahat ang sinapit ni Tolentino.

Malinaw aniya ang paninindigan ng pangulo na hindi dapat kinakausap ang kaniyang pamilya o kamag-anak o maging kaibigan para humingi ng tulong o pabor.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOTR ASec Mark Tolentino, Radyo Inquirer, DOTR ASec Mark Tolentino, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.