Nag-donate ng 100 body cameras ang Grab Philippines sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga donasyong body cameras na pawang mayroong “high resolution” at kayang mag-rekord ng hanggang 12 oras.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, maraming pribadong grupo ang tumutulong sa MMDA sa kagustuhang mabawasan ang tindi ng traffic sa Metro Manila.
Ani Lim, sa kabila ng pagbibigay ng Grab ng nasabing mga kagamitan sa MMDA, hindi sila mabibibgyan ng espesyal na pagtrato sa paglabag sa mga batas trapiko.
Umaasa ang MMDA na sa loob ng kasaluyang taon, lahat ng kanilang 2,000 traffic enforcers ay armado na ng body cameras.
MOST READ
LATEST STORIES