Bagong halal na kapitan ng barangay patay sa pamamaril sa Batangas

By Jong Manlapaz May 21, 2018 - 11:49 AM

Patay sa pananambang ang isang kahahal lamang na kapitan ng barangay sa bayan ng San Jose sa Batangas.

Tinambangan ng riding-in-tandem si Demeterio Mendoza Deomampo, bagong halal na kapitan ng barangay sa Buso-Buso sa bayan ng Laurel.

Naganap ang panamambang kay Deomampo, alas 8:25 Lunes ng umaga kung saan dalawang hindi nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang namaril sa biktima sa Barangay Pinagtung-Ulan sa bayan ng San Jose.

Ayon sa ulat, kaaalis lamang ni Deomampo sa kaniyang bahay sakay ng Isuzu Hilander nang mangyari ang insidente.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, barangay captain, Batangas, ambush, barangay captain, Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.