Pulis patay sa pananambang sa Antipolo

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 21, 2018 - 11:35 AM

Patay ang isang pulis makaraang tambangan habang nakikipag-inuman sa Antipolo City.

Si PO3 Don Carlo Mangui, 32 anyos ay naka-assign sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory headquarters.

Ayon sa Rizal Provincial Police Office, tinambangan si Mangui ng hindi pa nakilalang suspek ala 1:45 ng madaling araw ng Lunes sa harap ng kaniyang dating bahay sa Chico St., Purok Sumulong sa Barangay Dela Paz.

Residente na ngayon si Mangui sa bayan ng Tereza at bumisita lamang siya sa lugar nang maganap ang insidente.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaslang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Antipolo City, police, ambush, Antipolo City, police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.