2 patay, 10 sugatan sa sagupaan ng dalawang grupo sa Maimbung, Sulu

By Mark Makalalad May 21, 2018 - 11:25 AM

Dalawa ang patay kabilang ang isang dating MNLF commander matapos ang engkuentro ng dalawang armadong grupo sa Maimbung, Sulu.

Naganap ang engwentro Brgy. Bualo, Maimbong, Sulu kung saan maliban dalawang nasawi ay mayroon pang 10 ang naitalang sugatan.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Joint Task Force Sulu Commander, alas-7:00 ng gabi ng mgakasagupa ang grupo ni Maimbung Vice Mayor Musjasan Pando at ng grupo ng kapatid ni Konsehal Abubakar Tan na si Imal Matarol.

Kabilang sa mga napatay sa bakbakan si Maming Mudjasan, dating commander ng MNLF at isang Jubilyn Sampu.

Kabilang naman sa mga nasugatan sina Alyas Makrasil, Abdul Nasser Sansawi, Anjal Jindani, Danny Samahan, Dasma Asaral, Attih Jainulla, Masbol Jainulla, Darsi Guabasi, Dismar Sakib at Fatima Elmi.

Kasalukuyan ng nagpapagaling sa ospital ang mga biktima habang nagdagdag naman ng pwersa ang AFP at PNP para magbigay seguridad sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Maimbung Sulu, mnlf, PNP, Radyo Inquirer, AFP, Maimbung Sulu, mnlf, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.