Dating Pangulong Arroyo pinayagang magpacheck-up sa St. Luke’s Medical Center
Makapagpapacheck-up sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City sa loob ng dalawang araw si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay matapos payagan ng Sandiganbayan First Division si Arroyo na ngayon ay kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga na sumailalim sa medical tests sa nasabing pagamutan sa October 21 at 22.
Inaprubahan ng anti-graft court ang motion for humanitarian consideration ni Arroyo matapos na hindi na ito tutulan ng prosekusyon.
Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Arroyo na pinayuhan siya ng kaniyang mga duktor na sumailalim sa nerve conduction velocity testing at iba pang pagsusuri matapos makaramdam ng pamamanhid ng kaliwang braso.
Ayon sa mga duktor posibleng dahil ito sa cervical spine problems.
Si Arroyo ay pormal nang naghain ng kaniyang COC para tumakbong reelectionist sa 2nd district ng Pampanga sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Mikey Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.