Presyo ng school supplies tumaas kumpara noong nakaraang taon

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 21, 2018 - 10:55 AM

Inquirer Photo | Jhesset Enano

Tumaas na ng mula P1 hanggang P10 ang halaga ng mga school supplies ngayong taon kumara noong 2017.

Sa press conference ng Department of Education para sa kanilang Oplan Balik Eskwela kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, DOE, DTI, Pagasa, DOH at Meralco ipinakita ng DTI ang datos ng presyo ng ilang school supplies.

Ang halaga ng kada pack ng lapis o tatlong piraso mula sa dating P10.50 hanggang P18 ngayon ay P15 hanggang P19 na.

Ang kada piraso naman ng ballpen mula sa dating P4.75 hanggang P9.75 ngayon ay P6.75 hanggang P14.75 na.

Kung kada pack naman na tatlong pirasong ballpen ang laman, ang presyo ay P14.75 hanggang P22.75 mula sa dating P15.75 hanggang P28.75.

Ang kada box ng crayons noong may 2017 ay P15.75 hanggang P43 lang, pero ngayon mabibili na ito sa P17.75 hanggang P48.

Ang pambura na dating P12.75 kada piraso ngayon ay P14.65 na.

Habang ang ruler na dating P14.75 kada isa hanggang P29.75, ngayon ay P16.75 hanggang P32.75 na.

Ayon sa DTI, bagaman mayroong pagtaas sa halaga ay maituturing pa namang stable ang presyo ng mga school products.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: deped, price of school supplies, Radyo Inquirer, school supplies, deped, price of school supplies, Radyo Inquirer, school supplies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.